Suzzette Doctolero pinagtanggol si Kiko Pangilinan laban sa alegasyong nakatanggap ito ng maleta.


 Pinagtanggol ng Screenwriter na si Suzzette Doctolero si Senator Kiko Pangilinan laban sa alegasyon na umanoy nakatanggap ito ng maleta na may lamang pera. 

$ads={1}

Sa isang pressconference kasi, nitong Martes, June 16, inakusahan ng ng nagpakilalang "ex-bagmen" ang senador na tumanggap ng pera. Ipinakita nila ang ilang larawan ng pamilya ni Pangilinan para suportahan ang umano'y akusasyon nila.

Kaya naman sa kanyang post sa Facebook, inilahad ni Suzzette na mahirap umanong paniwalaan ang naturang paratang.

$ads={2}

"Mahirap paniwalaan yung alegasyon kay Sen. Kiko P.   Walang bahid corruption ang repu nung tao.  Unless may mas matibay silang ebidensya kaysa isang picture na wala namang halaga." sabi ni Suzzette

Matatandaan na pinabulaan na ni Senator Kiko Pangilinan ang isyung ito: "STATEMENT ON SUITCASES. Puro pasaring. Puro alegasyon. Puro palabas. Gusto lang mantsahan ang naiulat na pag-upo ko bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa flood-control scam. Wala ni katiting na basehan ang mga tangkang pagdungis sa aking pagkatao ng mga nagpa-presscon tungkol sa mga maletang kaugnay sa bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan. At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo."





Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form