Ibinahagi ng Kapamilya comedienne-host na si Melai Cantiveros na nagpadala ng tulong ang A-list actress na si Angel Locsin para sa mga naapektuhan ng lindol sa General Santos City.
$ads={1}
Noong Lunes, June 8, 2026, niyanig ng 7.8 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao. Isa sa mga grabeng naapektuhan ay ang GenSan, ang hometown ni Melai.
Kasunod ng sakuna, maraming celebrities ang agad na nagpaabot ng tulong at pakikiramay. Si Melai mismo ay nagpakita ng pakikiramay para sa kanyang mga kababayan sa Mindanao.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Melai na bumiyahe siya papuntang GenSan para alamin ang kalagayan ng kanyang pamilya at para na rin mag-abot ng tulong sa abot ng kanilang makakaya.
$ads={2}
Ibinahagi rin niya na may ilang celebrities na nagpadala na ng assistance tulad nina Kim Chiu, Robi Domingo, at Bianca Gonzalez. Maging ang kanyang glam team ay tumulong din sa relief efforts.
Ayon pa kay Melai, nagulat siya nang tawagan siya ng kanyang manager at ipaalam na magpapadala rin ng tulong si Angel Locsin. Dahil dito, taos-puso ang kanyang pasasalamat.
“Miss Angel Locsin, thank you so much!” ayon kay Melai.
Melai Cantiveros thanks Angel Locsin for sending help to Gen. San earthquake victims
by u/Anxious-Highway-9485 in ChikaPH
Umani rin ng reaksyon mula sa netizens ang balita, kung saan marami ang pumuri kay Angel Locsin dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa panahon ng kalamidad, kahit hindi ito palaging ipinapahayag o ina-announce.
.png)