Pinalagan ni Megastar Sharon Cuneta ang alegasyon ng nagpakilalang "ex-bagmen" laban sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan at kanilang pamilya.
$ads={1}
Sa kanilang press conference ngayong Martes, June 16, inakusahan ng "ex-bagmen" ang senador na tumanggap ng pera. Ipinakita nila ang ilang larawan ng pamilya ni Pangilinan para suportahan ang umano'y akusasyon nila.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Mega ang sumusunond:
"MGA SINUNGAAAALING!!!!!!! SOBRA TALAGA KAYO!!!!! I vlogged about this visit my family and I made to Marawi to thank the Governor, Mayor, and other officials and their families for their support for Kiko. Talaga ba, magbibigay kayo ng maleta sa amin SA MARAWI PA???!!! Ang kakapal ng mukha ninyo talaga sukdulan!!! Eto nagtetaping pa ako ngayon-nagbabanat pa rin ng buto at lumalaban ng patas, dahil lahat ng meron kami, PINAGHIHIRAPAN NAMIN!!! Hindi kami tulad ninyong mga sinungaling!!! Kaya sabi nga nila, KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW!!! Bahala na ang PANGINOONG Diyos sa inyo. ALAM NIYA KUNG SINO ANG TOTOONG SUMUSUNOD AT SUMASAMBA SA KANYA!!! WALA KAYONG KWENTANG TAO!!! @kiko.pangilinan"
$ads={2}
Nagreact rin si Kiko Pangilinan sa naturang isyu. Sabi niya:
"STATEMENT ON SUITCASES. Puro pasaring. Puro alegasyon. Puro palabas. Gusto lang mantsahan ang naiulat na pag-upo ko bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Subcommittee na mag-iimbestiga sa flood-control scam. Wala ni katiting na basehan ang mga tangkang pagdungis sa aking pagkatao ng mga nagpa-presscon tungkol sa mga maletang kaugnay sa bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan. At dahil dinamay niyo pa ang pamilya ko, makakatikim kayo ng hindi pasaring, alegasyon, o palabas na kaso sa korte. Pananagutan ninyo ang paninirang ginagawa niyo."
