![]() | |
| Source: Ma. Ahtisha Manalo/Facebook |
$ads={1}
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Atisha ang isang video na kung saan makikitang rumampa siya sa isang room.
Suot niya ang pink na gown na talaga namang bagay sa kanya. Sulat pa niya sa kanyang caption: "2018 feels"
Ngunit may isang netizen ang biglang nagkomento tungkol sa kanyang balikat. Sabi ng netizen: "Ang taas naman ng balikat. May TV ba siya?"
$ads={2}
Agad naman itong sinagot ni Atisha na tila may pang-aasar: "Meron, 65". Ikaw ba?"
Si Ahtisha Manalo ay isang Filipino beauty pageant titleholder na nanalo bilang Miss Universe Philippines 2025. Siya ang nagrepresenta sa Pilipinas sa naganap na Miss Universe 2025 at siya umuwi bilang third runner-up.
