Masayang ipinagdiwang ng singer na si Angeline Quinto ang isa na namang milestone sa kanyang buhay .matapos siyang magtapos ng kanyang College Degree.
Proud na dumalo si Angeline sa kanyang graduation ceremony matapos makuha ang Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management degree mula sa Immaculada Concepcion College sa Caloocan City.
Ibinahagi ng reporter na si MJ Felipe ang masayang moment na ito, habang suot ng singer ang kanyang graduation attire na naging dahilan upang makatanggap siya ng pagbati mula sa kanyang mga tagahanga at mga kapwa artista.
Marami rin ang humanga sa dedikasyon ni Angeline sa pag-abot ng kanyang educational goals habang patuloy na pinagsasabay ang kanyang career sa entertainment industry.
$ads={2}
Ang kanyang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon sa marami at nagpapatunay na hindi hadlang ang edad o pagiging abala sa pagtupad ng mga pangarap, kabilang na ang pagtatapos ng pag-aaral.
