Ibinahagi ng aktres na si Ellen Adarna kung bakit mataas ang standards niya sa lalaki sa kanyang panayam kay Melai Cantiveros Kuan On One.
$ads={1}
Peru bago pa niya ito ibinahagi, ikinuwento muna ng aktres ang tungkol sikat na tourist attraction na Temple of Leah sa Cebu.
Ayon kay Ellen, hindi umano talaga planong gawing tourist destination ang nasabing lugar noong una. Sa halip, ginawa ito bilang lagayan ng mga koleksyon at gamit ng kanyang lola.
“Actually, ang lola ko hoarder siya. Hindi talaga 'to dapat tourist spot. Originally hindi talaga kasi ang daming gamit ng lola ko sa bahay,” kuwento ni Ellen.
$ads={2}
Dagdag pa niya, madalas umanong magbiro ang kanyang lola tungkol sa kanyang mga gamit at ayaw nitong maibenta ang mga ito.
“Dahil maldita 'yung lola ko, [sabi niya], ‘Kung ibebenta niyo ang gamit ko, mumultuhin ko kayo lahat!’ Ang dami niyang drama,” ani Ellen.
Dahil dito, naisip umano ng kanyang lolo na gamitin ang isang lupain sa Busay, Cebu bilang storage ng mga koleksyon ng kanyang lola.
“So naisip ng lolo ko, sige 'yung lupa sa Busay gawan na lang natin 'yan ng storage. So 'yan storage talaga siya ng kanyang gamit,” dagdag niya.
Sa parehong panayam, pabirong sinabi ni Ellen na isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mataas ang kanyang standards pagdating sa mga lalaki.
“Kaya mataas ang standards ko sa lalaki kasi 'yung lola ko binigyan ng temple,” aniya.
Ang Temple of Leah ay isa sa mga pinakasikat na tourist attractions sa Cebu at madalas na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista dahil sa natatangi nitong arkitektura at kuwento ng pag-ibig na nasa likod nito.
