McCoy De Leon Nag-Farewell kay David Dimaguiba sa Batang Quiapo: “Salamat sa mga nainis!”

“McCoy De Leon bilang David Dimaguiba sa Batang Quiapo – huling eksena”

Tuluyan nang nagpaalam si McCoy De Leon sa kanyang karakter na si David Dimaguiba sa action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo matapos itong map4slang sa pinakahuling episode ng palabas.

$ads={1}

“Akala ko, ito na ang huling project ko…”

Sa kanyang post sa social media kamakailan lang, inamin ni McCoy na inakala niyang ito na ang huling proyektong gagawin niya, kaya tinodo niya ang kanyang pagganap bilang si David.

“Naisip ko na ito na yung last project ko, kaya tinodo ko na.”

Hindi naman nasayang ang kanyang effort dahil epektibong naihatid niya ang emosyon sa kanyang role. Maraming manonood ang labis na nainis sa kanyang paganap bilang si David, ang half-brother ni Tanggol (na ginagampanan ni Coco Martin). Sa kabila ng pagkakasundo sa huli, huli na ang lahat—dahil binawian na ng buhay si David sa kwento.

$ads={2}

“Salamat sa mga taong nainis!”

Nagpasalamat si McCoy sa lahat ng mga nanood at naapektuhan sa kanyang karakter—lalo na sa mga nainis.

“Sa lahat ng mga taong naapektuhan, nakukuha ng inis hehe hanggang sa napukaw ang puso, thank you so much po!”

“Ngayon, binibitawan ko na po ang character na si David Dimaguiba,” dagdag pa niya.

Ipinakita ng kanyang pagganap ang dedikasyon ni McCoy bilang aktor, at kung bakit patuloy siyang hinahangaan sa industriya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form