![]() |
Naging matagumpay at emosyonal ang album launch ni Pinoy Big Brother Generation 11 Big Winner Fyang Smith para sa kanyang debut album na “Forever Fyang,” na ginanap sa New Frontier Theater nitong Linggo. Dumagsa ang kanyang fans para masaksihan ang bagong milestone ng rising Kapamilya Gen Z star.
$ads={1}
Regine Velasquez as Special Guest
Isa sa mga highlight ng gabi ay ang pagdating at mensahe ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, na special guest sa event.
Sa kanyang heartfelt na mensahe para kay Fyang, ibinahagi ni Regine ang isang makabuluhang payo:
“Singing is a new thing for you. Ang pagkanta is a skill, kung isasapuso mo at isasaisip mo ang pag-practice, puwede kang maging magaling na magaling na magaling na singer.”
$ads={2}
Hindi rin nakalimutan ni Regine na paalalahanan si Fyang na pahalagahan ang bawat oportunidad na dumarating:
“Alam mo hindi lahat nabibigyan ng opportunity to record an album, to do a show, so kailangan lang nating isaisip at isapuso lahat ng mga gagawin natin para lahat sila maging happy lagi.”
“Forever Fyang” Album Launch: A New Chapter Begins
Ang debut album na “Forever Fyang” ay isa sa mga pinakaabangang project mula sa isang PBB Gen Z Big Winner, na patuloy na nagpapatunay na kaya rin niyang sumabak sa mundo ng music industry. Ang suporta ng kanyang fans at ng mga industry icons gaya ni Regine ay patunay sa kanyang potential bilang multi-talented Kapamilya artist.