Usap-usapan ngayon online ang dating Dabarkads at batikang komedyante na si Jimmy Santos matapos mag-viral ang kanyang mga video kung saan makikita siyang nagkakargador, nagtatrabaho sa construction, at nagtitinda ng fishball. Dahil dito, marami ang nagtanong: “Naghihirap na nga ba si Jimmy Santos?”
$ads={1}
-Hindi Dahil Naghihirap – Kundi Pagbibigay-Pugay sa Marangal na Trabaho
Sa isang panayam ng Kasolid Vlogs, nilinaw mismo ni Jimmy ang katotohanan sa likod ng mga viral niyang video. Ayon sa kanya, ang lahat ng iyon ay bahagi lamang ng kanyang content sa YouTube channel na “Jimmy Saints.”
Pinakita lang umano niya ang mga trabahong ‘yon na ginagawa ng ating mga kababayan para kumita ng marangal. Layunin daw ng kanyang videos na ipakita at bigyang-halaga ang mga simpleng trabaho ng mga Pilipino, at hindi dahil naghihirap na siya.
$ads={2}
-Bukas Pa Rin sa Pag-aartista
Dagdag pa ni Jimmy, bukas pa rin siya sa mga acting offers kung mayroong darating. Hindi raw siya nagretiro at nananatiling masigla sa kanyang pagganap, mapa-telebisyon man o online.
-“Hindi Naghihirap si Papa,” Sabi ng Anak
Ayon sa ulat ni Jun Lalin ng Abante, sinabi ni Martin Hinson Vitug, anak ni Tito Jimmy at producer ng kanyang YouTube channel, na hindi kailanman nawalan ng hanapbuhay ang ama niya. Lifetime endorser umano ang kanyang ama sa isang kilalang local housing company sa Pampanga.
Ipinunto rin niya na malusog, masaya, at stable ang buhay ngayon ni Jimmy Santos kaya hindi dapat ikabahala ang mga napapanood sa vlog.
💬 I-share ang iyong opinyon sa comments section!
🔁 Huwag kalimutang i-LIKE at i-SHARE ang kwentong ito kung humanga ka sa kanyang pagiging humble at makatao.