Nagbigay ng tapat at emosyonal na salaysay si Vice Ganda sa kanyang guesting sa KC After Hours, ang YouTube program na hino-host ni Karmina Constantino-Torres.
$ads={1}
Ang mabigat na pinagdaanan ng Showtime at ABS-CBN
Sa interview, binalikan ni Vice ang mahihirap na araw noong pandemic at ang matinding hamon na hinarap ng It’s Showtime at ng ABS-CBN.
“Nung pandemic, syempre, it was a surprise to everyone. No one saw it coming, no one was ever prepared nung panahon na yun. It was a shock. Akala namin, when we were asked to say goodbye, akala namin sandali lang. Yung ilang days lang, ilang weeks lang,” ani Vice.
$ads={2}
Ngunit hindi doon natapos ang kanilang pagsubok. Kasabay ng pandemic, naapektuhan din sila sa pagkawala ng ABS-CBN franchise noong 2020.
“Meron ka ng pandemic, meron ka pang hinarap na pagkawala ng franchise. It was a very stressful moment for everyone sa ABS-CBN,” dagdag niya.
Vice Ganda bilang Creative Head
Tinanong ni Karmina si Vice kung paano naging turning point ang panahong iyon sa kanyang career.
“That was also life-changing for you because hindi ka lang basta naging talent, you took on… ano na ba ang posisyon mo ngayon? You’re now the Creative Director?” tanong ni Karmina.
Sumagot si Vice:
“Parang ano, ako na yung Creative Head. Almost everything sa production,”pagbubunyag niya tungkol sa expanded role niya sa likod ng It’s Showtime.
Iniwan ng direktor, pero tumindig si Vice
Ikinuwento rin ni Vice kung paano iniwan ng kanilang direktor ang programa upang lumipat sa ibang network at gumawa ng sariling show.
“At that time, that was the moment na we were left by the director. The director left and also created his own show sa other network, so talagang basang sisiw kami nun. I needed to step up.”
“I will never allow Showtime to lose.”
Sa kabila ng lahat, ramdam ang malalim na accountability at pagmamahal ni Vice sa kanyang Showtime family.
“The trust from the bosses, from the management, parang I can't let go of that trust and I couldn't fail them. But most of all, I couldn't fail myself. I will never allow that family, or that program to just vanish, or to just lose. I will never allow Showtime to lose, I will fight for it just like fighting for my life,” pagtatapos niya.
Dahil dito, umani ng papuri si Vice mula sa mga netizens sa YouTube para sa kanyang dedikasyon, tapang, at malasakit sa kanyang programa at sa ABS-CBN.