Video kung saan todo hataw si Joshua Garcia sa pag-giling sa Milan viral

Mabilis na nagviral sa social media ang video ni Joshua Garcia na kung saan todo hataw ito sa pag-giling sa Milan.

Video kung saan todo hataw si Joshua Garcia sa pag-giling sa Milan viral

Si Joshua Garcia ay isang sikat na actor dito sa Pilipinas. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother. Mula noon ay nakatambal niya ang actress na si Julia Barretto at nakagawa sila ng ilang hit na pelikula at serye. Naging parte rin si Joshua sa kakatapos lang na serye na Darna:The TV Series. 

Sa isang tiktok video, ay makikita si Joshua Garcia na todo hataw sa pag-giling sa isang dance number sa naganap na "G Kapamilya" ang show ng kapamilya sa Milan, Italy.

Kasama ni Joshua sa nasabing show ang real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at ang actor na si Zanjoe Marudo. 

Sa nasabing video ay napasigaw ang isang babae na kumukuha ng video at napa-OMG ito habang nanood sa naturang show dahil sa pagsayaw ni Joshua sa isang Dance Craze na kung saan sa isang parte ng video ay may pasilip ang actor sa kanyang tiyan.

Kaya naman ilang netizens din ang napareact sa naturang video ng actor. Sabi ng ilang netizens: 

"Si joshua nalang talaga nagpapawala ng badtrip ko sa araw-araw HAHAHJAJQJAJA,”

"nagulat mama ko bat daw ako nasigaw"

"kahit ako sisigaw ng “oh my God” e may kasama pang “take me Lord” 

"Sabi ng mama ko bakit daw paulit ulit yung tug-tog"

Pwede mong panoorin ang video dito:

@jgmamacita Grabe kana Joshua G. 😭😍 #joshuagarcia #tiktok #viralvideo ♬ original sound - Juliet Amponin
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form