Netizens naalala si Jovit Baldivino sa boses ng isang contestant sa Tawag ng Tanghalan

Maraming netizens ang naalala ang yumaong si Jovit Baldivino sa boses ng isang contestant sa tawag ng tanghalan. 

Netizens naalala si Jovit Baldivino sa boses ng isang contestant sa Tawag ng Tanghalan

Si Jovit Baldivino ay isang kilalang singer at actor dito sa Pilipinas. Siya ay unang nakilala at sumikat matapos siyang sumali at manalo sa reality talent competition na Pilipinas Got Talent noong 2010. 

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay pumanaw si Jovit nito lamang December 9 2022 sa edad na 29 dahil sa blood clot sa kanyang utak at dahil rin sa stroke. Ayon sa pamilya ni Jovit, una raw na nastroke si Jovit noong November 2022 at pinayuhan raw ito ng doctor na magpahinga.

Ngunit sa isang party nitong December ay kumanta si Jovit nang tatlong kanta dahil sa request ng kanyang kaibigan at fans peru sa di inaasahang pangyayari ay muling na-stroke si Jovit at mabilisan itong isinugod sa ospital at doon na nalaman na nagkaroon ng blood clot ang kanyang utak. Inoperahan si Jovit peru naging unconscious ito ng limang araw at ito'y pumanaw.

Ilang buwan na ang nakalipas mula ng pumanaw si Jovit ay nananatili parin ang kanyang ala-ala. Sa katunayan ay maraming netizens ang  tila naalala si Jovit sa boses ng isang "Tawag ng Tanghalan" contestant na si Akie Erika Cedilla. Ayon sa ilang netizens magkahawig daw ang boses ng nasabing contestant sa boses ni Jovit.

Kinanta ni Akie ang "Ikay Mahal Parin" na isa sa pinasikat rin ni Jovit. Kaya ayon sa ilang netizens: 

"Nice song I remember idol Jovit when he sung that song mas feel ko ung kanta nea" 

"pero.mas remember ko parin c jovit wlang ppalit sa knyang boses.kht na wla na sya imis u idol jovit." 

"I remember jovit baldivino when he start on audition at PGT" 

"Tunog Jovit although authentic parin"

Panoorin:

🎙️ FACE-OFF! Panoorin ang “Vocalist Rider” ng Pasay City, AKIE ERIKA CEDILLA, sa kantang “IKA’Y MAHAL PA RIN!” #ShowtimeMEMEmeyan WATCH & SUBSCRIBE NA DITO: https://youtube.com/@itsShowtimeNa

Posted by Tawag Ng Tanghalan on Monday, 13 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form