Vice Ganda at Ion Perez proud na ipinakilala ang kanilang "baby"

Proud na ipinakilala sa publiko nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang baby.

Vice Ganda at Ion Perez proud na ipinakilala ang kanilang "baby"

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang niya ang considered to be the highest-grossing in Philippine cinema. 

Ikinasal narin si Vice sa kanya ngayong asawa na si Ion Perez sa Las Vegas noong October 2021 at ngayon sa kanilang youtube vlog ay ipinakilala na ng dalawa ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Ayon kasi kay Vice, mas masaya raw angkanilang tahanan kung may madagdag sa kanila.

“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya ‘yung bahay namin, para may mapag-sharean ng saya ‘tas mayroon magpapasaya sa’ming bago, mayroon kaming lalambingin, mayroon kaming mamahalin, aalagaa, para lalong maging masaya ang life,” sabi ni Vice 

"So, we plan to have a baby para mas gumanda ang mundo. ‘Pag mas maraming masaya, mas maganda ang mundo. Para happy, dadagdagan namin ng member ang family namin para lumaki-laki naman ang pamilya namin kasi dalawa lang kami,” dagdag pa ng komedyante 

Ang tinutukoy nilang baby ay isang black and white na Pomeranian na nagkakahalaga ng P380, 000 na binili nila sa petshop.

Makikita sa video ang excitement ng dalawa na alagaan ang kanilang "baby" na sa ngayon ay hindi pa nila pinangalanan.

Pwede mong panoorin dito ang video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form