Lovi Poe di mapigilang magreact sa birthday tarpaulin niya sa Batang Quiapo

Di mapigilang magreact ni Lovi Poe sa tarpaulin niya sa kanyang karakter sa Batang Quiapo.

Lovi Poe, Larawan mula sa ABSCBN Entertainment 


Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Lovi ang kanyang pagkawindang sa tarpaulin para sa ginampanan niyang karakter sa Batang Quiapo.

Si Lovi ay gumanap bilang si Makang sa nasabing teleserye. Siya ang lovi interest ni Tanggol na ginampanan ng primetime king na si Coco Martin.

Sa isang epsisode sa Batang Quiapo ay gusto ng ama ni Makang na pagawan siya ng tarpaulin para sa kanyang birthday. Gusto kasi ng ama ni Makang na yung design daw ay parang lumilipad. 

Nang ipinagawa na ito ng kapatid ni Makang na ginampanan ni Ping Medina ay tila hindi pambirthday ang naging resulta. Nagmukhang pamburol ang naturang tarpaulin.

Kaya sa kanyang post ay ibinahagi ni Lovi ang pagkaloka niya sa nasabing tarpaulin. Napatanong siya sa kanyang kuya na ginampanan ni Ping Medina. 

Tanong niya: "Kuya @pingmedina, birthday ko kasi diba? Bakit naman parang kukunin ako ni Lord nito? Sa langit ba debut ko? LOL  #FPJsBatangQuiapo."

Inasar naman siya ni Ping sa pamamagitan ng pagcomment nito sa post ng actress:"Maligayang 40th day Mokang ,"sey ni Ping 

Narito ang post ni Lovi:


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form