Bayani Agbayani nagsalita na sa bali-balitang tsutsugiin na ang LOL

Nagsalita na rin sa wakas si Bayani Agbayani, isa sa mga main host ng Tropang Lol sa TV5 na sa tsismis na magtatapos na ang naturang show.

Bayani Agbayani at ang Tropang LOL

Matatandaan na kalat na kalat na sa social media ang balitang tsutsugiin na ang LOL matapos ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang 'Showbiz Update Vlog' ang umanoy pagtatapos nang nasabing show. Ang LOL ay produced by Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Base sa report ng PEP.PH ay inasag narin sa wakas ni Bayani ang kanyang katahimikan kaugnay sa naturang isyu. Humihingi si Bayani ng paumanhin dahil late na umano siyang nakapagbigay ng reaksyon dahil kamakailan lang umano sila pinayagan na magsalita.

Sinabi ni Bayani na nanghihinayang umano siya sa pagtatapos ng show dahil okay naman daw ang kanilang ratings. Ngunit sa kabila nito ay dapat din daw na igalang ang disesyon ng network.

“Para sa akin, nakakahinayang dahil sa maiksing panahon ng Tropang LOL, maayos naman ang rating namin. Pero siyempre, dapat din nating igalang ang desisyon ng network, dahil bilang employee, ang employer talaga ang may say sa desisyon ng kanyang negosyo,” sabi ni Bayani 

Nagpapasalat din si Bayano sa management ng TV dahil binigyan siya ng pagkakataon na maging host sa nasabing show.  

Samantala, bago paman napabalitang magtatapos na ang LOL ay nakatanggap narin umano ng offer si Bayani mula sa ABSCBN. Nito lamang nakaraang buwan ay napabilang si Bayani sa Kapamilya show na "I Can See Your Voice". 

Nabigayan din umano ng offer si Bayani na maging bahagi sa teleserye ng love team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano peru hindi pa nagsisimula ang proyektong ito. 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form