Ibinahagi ni Rendon Labador na pansamantalang ipinasarado ang kanyang restaurant dalawang araw matapos ang grand opening nito.
Larawan mula sa Facebook Rebdon Labador |
Nito lamang linggo, March 25, 2023 ay naganap ang grand opening nang Episode Bar + Kitchen, ang restaurant na pagmamay-ari ng motivation speaker at social media influencer na si Rendon Labador.
Ibinahagi ni Rendon kamakailan lang na umanoy gumastos siya ng 1.2 million pesos para sa opening ng kanyang restaurant. 800k pesos para sa fine dining at 400k pesos naman para sa mga high end drinks.
Nagtrending ang naturang restaurant ni Rendon ngunit dismayo parin siya dahil wala raw bumili ng ticket. Aniya aanhin daw niya ang pagtrending kung wala naman bumibili ng ticket. Sinisi rin ni Rendon ang mga fans ni Coco Martin dahil pene-personal umano siya.
Matatandaan kasi na nagviral ang mga banat ni Rendon laban kay Coco dahil sa umanoy abala nito sa mga vendor sa Quiapo dahil sa shooting nila sa teleseryeng "Fpj's Batang Quiapo".
Samantala sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Rendon na pansamantalang ipasarado niya ang bagong open niyang restaurant. Aniya magbubukas nalang daw sila ulit.
"Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa ngyari. I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE,"sabi ni Rendon
Marami naman sa mga netizens ang nagreact at anila ay "nakarma" raw si Rendon dahil sa mga hindi magandang komento nito sa social media.
Uulitin ko nalang ang grand opening. Sana masaya lahat ng Coco fans sa ngyari. I will struggle. I will fall down. But I will always rise back up. AND I’LL BE STRONGER THAN BEFORE. #stayMotivated
Posted by Rendon Labador on Sunday, 26 March 2023
Sa
ReplyDeleteRendon sa lahat ng negosyo hindi mo dapat isagad dahan dahanin mo muna ompihan mo muna sa solf opening ang mahal kz tickit mo dapat start sa 1k saka wag ka naman manisi sa ibang tao kung walqng bibili sa tickit mo dahil hindi pa tapos ang pandemic rendon
Deletesobrang yabang mo kasi na apektuhan tuloy negosyo mo.....
ReplyDeleteTotoo yan mayabang masyado..kaya ayan nakarma ka..
ReplyDelete