Vin Abrenica inaming nagulat matapos isinapubliko ni Aljur at Aj ang kanilang relasyon

 

Larawan mula sa Facebook Aljur Abrenica (Aljur Abrenica at Aj Raval-Left)/Screenshoot mula sa GMA Network YouTube (Vin Abrenica-Right)

Inamin ni Vin Abrenica na nagulat siya nang isinapubliko nina Aljur Abrenica at Aj Raval ang kanilang relasyon.

Si Vin Abrenica na may tunay na pangalan na Alvin Guiang Abrenica na ipinanganak noong May 27, 1991 ay isang kilalang  actor. Siya ay isa sa mga contestant nanh reality-based talent search show na Artista Academy at nanalo sa naturang competition kasama si Sophie Albert na ngayon ay kanya ng asawa. 

Kilala si Vin Abrenica sa dahil sa kanyang biggest break bilang si Jepoy Madrigal sa Wildflower at Elmer Marasigan sa A Soldier's Heart. 

Sa isang panayam, ay inamin ni Vin na nagulat siya nang isinapubliko ng kanyang kapatid na si Aljur Abrenica at girlfriend nitong si Aj Raval ang kanilang relasyon sa mismong araw ng mga puso.

"Yeah, actually. Nagulat nga,” sabi ni Vin nang tanungin siya ni Tito tungkol sa pag-amin nina Aljur at Aj sa kanilang relasyon.

Ngunit masaya siya para sa dalawa.

"“Actually nakita ko naman 'yung post. And honestly, nakita ko na 'yon, I'm happy. Kasi... sino ba nakakaalam ng lahat ng mga nangyayari sa kanya ngayon, with all the stress, with all na binabato sa kanya ng buong Pilipinas, ng buong mundo? Nakikita ko, he's my brother. He's broken now.”sabi niya 

Nang tanungin siya ni Tito kung bakit niya nasabing broken si Aljur, sagot ni Vin: "I mean, Tito Boy, hindi naman madali na lumabas ng bahay na alam mo na lahat ng tao sa mundo, galit sa'yo,” 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form