Ryza Cenon niresbakan ang basher na nagalit sa "nakaluwagluwag" niyang memes

 

Larawan mula sa instagram: iamryzacenon/ twitter: @deemaxxxxx


Di mapigilang resbakan ni Ryza Cenon ang isang netizen na nagalit matapos niyang ibinahagi ang 'memes' tungkol sa kanya na umanoy "nakaluwag-luwag" na.

Si Ryza Cenon ay kilala bilang "Primera Kontrabida ng Pilipinas" mula pa noong 2017. Isa rin si Ryza sa cast ng Kapamilya Series na FPJ's Batang Quiapo na pinagbibigahan ni Primetime King Coco Martin. 

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Ryza sa kanyang twitter ang memes niya na kung saan nakaluwagluwag na raw ang actress. Base kase sa naturang memes makikita na mula sa tila isang laruan ay tila naging makatotohanan na ang gamit na baril ni Ryza.

Ngunit isang basher ang hindi natuwa sa pagshare ni Ryza sa naturang post.

"Wow ha, ni-share mo talaga yung meme sa Twitter about sa character mo sa GMA & ABS. Hindi mo ata alam na nag-cause na naman yan ng network war sa fans, ayon sa FB, nag-away na naman mga tards," sabi ng basher 

"As far as I know, walang sinabing masayang sayo ang GMA pati na rin ang mga Kapuso fans. Ngayon ka na nga lang namin naramdaman, tas ganun pa ginawa mo? Insensitive. Ang laki ng improvement ng GMA sa mga teleseryes tas babalikan pa yung dati. Pwe!" banat pa ng basher kay Ryza 

Agad naman sinagot ni Ryza ang naturang basher.

Sabi niya: "KJ yarn? Una sa lahat, mukha ko pinagtatawanan niyo sa mga memes niyo. Wala rin akong sinabi masama sa GMA. Kaysa ma-stress ako, kagaya mo eh maki-ride na lang ako para happy lang. Wala naman akong tinatapakan, sa totoo lang sarili ko nga tinatawanan ko eh. Kasi ako yung nakalagay," 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form