Kris Aquino binasag na ang katahimikan sa totoong relasyon nila ni Mark Leviste

 

Larawan mula sa Instagram: Mark Leviste 

Binasag narin sa wakas ni Kris Aquino ang kanyang katahimikan kaugnay sa totoong relasyon nila ng politikong si Mark Leviste.

Si Kris Aquino na may tunay na pangalan na Kristina Bernadette Cojuangco Aquino ay isang television host, actress, producer, socialite at businesswoman. Kilala rin si Kris sa tawag na Queen of All Media.  

Si Kris ay naging in-active sa showbiz ilang taon na ang nakalipas dahil sa kanyang autoimmune illnesses. Siya ay nadiagnose ng apat na autoimmune conditions at kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa ibang bansa.  

Sa post kasi ni Mark, ay ibinahagi niya ang isang video na kung saan binisita niya si Kris sa Amerika nitong Valentine's Day at isa sa nakaka-intriga ay ang sweet nitong caption.

""Distance is just a test to see how far love can travel"sabi ni Mark 

Sa isang komento ay agad na nilinaw ni Kris na magkaibigan lamang sila ni Mark.

"May we clarify- together physically in the same place… I appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we agreed the best foundation for any & all relationships is FRIENDSHIP. I know I state with 100% accuracy, you’re my best male friend" paglilinaw ni Kris 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form