Empleyado ng isang furniture store hinahanap ni Sunshine : "HELP PLS... kung sino man nakakilala sa kanya"

Nananawagan ngayon ng tulong sa publiko ang actress na si Sunshine Garcia para mahanap ang isang empleyado ng furniture store na naki-selfie sa kanya.


📷 Sunshine Garcia Facebook 

Si Sunshine Garcia ay isang dancer at comedienne dito sa Pilipinas. Sumikat si Sunshine bilang isang miyembro ng dance group na S*xbomb Girls  noong 2003.

Naging parte rin si Sunshine sa Kapamilya Comedy Shows na Banana Split at Banana Nite. 

Samantala sa kanyang post, ay humihingi ng tulong si Sunshine sa publiko para mahanap ang lalaking naki-selfie sa kanya. Ang naturang lalaki ay isang empleyado ng Furniture store na kanyang pinuntahan.

Wala daw kasi cellphone si Kuya kasi bawal sa work at gusto raw nito magpa-pic sa kanya kaya ang ginawa ay cellphone niya na lang ang kanyang ginamit.

"HELP PLS...Gusto magpa pic ni kuya pero wala syang celfone bawal sa work sabi ko Sige ako na magpicture isesend ko sayo," ani Sunshine sa Facebook post.

Kaya naki-usap siya sa publiko na kung sino man ang nakakakilala kay Kuya ay i-tag nalang daw ito.

"Hndi pala kami close kaya kung sino man nakakakilala sa kanya pakitag na lang please baka sabihin nya Jinojoke ko sya," dagdag ng TV personality.

HELP PLS.😬😅 Gusto magpa pic ni kuya pero wala syang celfone bawal sa work sabi ko Sige ako na magpicture isesend ko...

Posted by Sunshine Garcia on Friday, 24 February 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form