Ogie Diaz nanawagan kay Coco Martin kaugnay sa mga hinaing ng mga vendors sa Quiapo

Nanawagan si Ogie Diaz kay Coco Martin kaugnay sa mga hinaing ng ilang mga vendors sa Quiapo.

Coco Martin at Ogie Diaz

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang kilalang actor, director, at film producer. Siya ay kilala sa mga pinagbibidahan niyang teleserye gaya ng Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at ang FPJ's Ang Probinsyano. 

At ngayon, Si Coco ang kasalukuyang bida at isa rin sa Direktor ng Fpj's Batang Quiapo.  

Samantala sa youtube channel ni Ogie Diaz, ay nanawagan siya kay Coco Martin at ilang bumubuo ng "Fpj's Batang Quiapo" kaugnay sa mga hinaing ng ilang mga vendors sa Quiapo.

Naapektuhan raw kasi ang benta ng ilang mga vendors sa Quiapo dahil sa kanilang shooting.

"Dear FPJ Batang Quiapo! kung mag-shooting kayo 'wag naman araw-araw. Bumababa sales nain 'pag nanjan kayo eh. Hayssttt Coco hanggang kelan na naman kayo 'tong palabas mo?" pahayag ng isang vendor na ibinahagi ni Mama Loi sa Showbiz Update nila ni Ogie Diaz. 

Kaya nanawagan narin si Ogie sa ABSCBN na sanay magawan ng paraan ang hinaing ng ilang mga vendors.

"Baka pwede itong solusyunan ng ABS-CBN at kanilang production staff para hindi makaapekto sa mga pang-araw araw na kabuhayan itong shooting," sabi ni Ogie Diaz 

"Kasi nga naman pagka- ganoon, hindi ka na mamimili manonood ka nalang ng shooting o ng taping. Naku Coco, baka naman magawan ng paraan 'yan ah" sabi pa ni Ogie 

Narito ang kabuuang video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form