Vice Ganda inaming nagkaroon ng limang girlfriend: "Mas lalo ko lang na-realize...bakla talaga ako."

 

Matapang na inamin ng Unkabogable star na si Vice Ganda na nagkaroon siya noon ng limang girlfriend.

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang niya ang considered to be the highest-grossing in Philippine cinema. 

Ikinasal narin si Vice sa kanya ngayong asawa na si Ion Perez sa Las Vegas noong October 2021.

Sa vlog ni Isko Moreno ay naging guest niya si Vice. Sa naturang vlog ay ibinunyag ni Vice na nagkaroon umano siya ng limang girlfriend noon.

"Oo nagka-girlfriend ako. Lima... limang girl friend," sabi ni Vice 

Alam na umano dati pa ni Vice na siya ay isang bakla ngunit sinubukan niya raw magka-girlfriend dahil akala niya ay maayos pa niya ang kanyang naramdaman.

"I have always known. I have always felt na bakla ako... Alam ko na pero nilalabanan ko siya. Kasi sabi ko nga dati, mag-gigirlfriend ako. I was trying to cure it. Until I realized, bakit ko kino-cure, e hindi naman ito sakit. Hindi naman siya disability. Mas lalo ko lang na-realize na hindi, bakla talaga ako." Sey ni Vice 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement