Napakahumble! Jodi Sta Maria viral matapos ginawang taga-picture ng mga turista sa ibang bansa

 

Nagviral ngayon sa social media ang Kapamilya Star na si Jodi Sta Maria matapos siyang gawing taga-picture ng mga turista sa ibang bansa.

Si Jodi Sta Maria na may tunay na pangalan na Jodi Chrissie Garcia Sta. Maria ay isang kilalang actress dito sa Pilipinas. Kilalala si Jodi sa kanyang roles na mga drama show sa ABSCBN.

Isa narito ang pag-portray niya sa role ni Doc Jill Victorino sa 2022 drama series na The Broken Marriage Vow na kung saan pinasikat niya ang mga  taglines na "Papunta Palang Tayo sa Exciting Part" at "Your daughter is sleeping with my husband." 

Nito lang ding 2022 ay nakatanggap si Jodi ng mga bigating awards. Isa na rito ang Best Drama Actress sa Golden Laurel Batangas Province Media Awards at Best Actress in a  Leading Role sa Asian Academy Creative Awards. 

Sa isang viral post ni Jodi sa twitter, ay hinangaan ang actress matapos pumawag siyang picturan ang ilang mga turista sa ibang bansa.

Kung sa Pilipinas ay isa siyang sikat na artista sa ibang bansa naman ay isa raw siyang litratista ng mga turista. 

"Sa Maynila artista. Sa ibang bansa, litratista ng mga tanawin at turista. Magandang umaga,”sabi ni Jodi 

Kaya naman umani ito ng ibat-ibang reaksyon mula sa netizen. Sabi ng ilang netizens; 

"Suwerte naman ng mga nagpa-picture, eh isang ASIAN BEST ACTRESS IN A LEADING ROLE ba naman mag-picture sa’yo ehh.”

“Kaya mahal kita Jodz napaka-humble mo. Enjoy ka lang at ingat lagi.”

“Sa Maynila Best Actress. Sa ibang bansa Best Photographer hahaha labyuuu.” 

Narito ang post ni Jodi:

Anong masasabi mo sa balitang ito? Mag-iwan ng iyong komento at maraming salamat sa pagsuporta mga ka-tabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form