Sunshine Dizon may prangkang sagot sa mga basher sa pagbabalik niya kapuso

 

May prangkang sagot ang batikang actress na si Sunshine Dizon sa kanyang mga basher sa pagbabalik niya sa Kapuso Network matapos makagawa ng isang serye sa ABSCBN.

Si Sunshine Dizon na may tunay na pangalan na  Margaret Sunshine Cansancio Dizon ay isang award-winning actress, director at producer. Siya ay tinawag na “Daytime Drama Queen” sa ibat-ibang media outlet dahil sa galing niya sa pag-arte.

Sa kabila ng kawalan ng prankisa ng ABSCBN, ay lumipat si Sunshine sa Kapamilya Network. Siya ay naging parte sa ABSCBN series na Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez at Jake Ejercito. 

Ngayon namang 2023, ay bumalik na si Dizon sa GMA Network at isa sa mga cast ng upcoming show ng kapuso network na "Mga Lihim ni Urduja".

Ngunit sa kanyang pagbabalik kapuso, ay tila ilang netizens ang hindi ito nagustuhan. Kaya sa kanyang twitter ay diretsahan niyang sinagot ang kanyang basher.

"Wag pong kuda ng kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge. I can work with anyone i want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko. Wag masyadong nag MAMARUNONG. TY" sabi ni Sunshine 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form