Toni Gonzaga 'hirap na hirap' raw makakuha ng guest sa kanyang show?

 

Hirap na hirap diumano si Toni Gonzaga na makakuha ng guest sa kanyang show sa AMBS ani source ni Cristy Fermin.

Si Toni Gonzaga ay isang kilalang is a singer, entrepreneur, host, actress, producer, vlogger, at singer dito sa Pilipinas. Siya ay ang dating lead host ng kapamilya reality show na Pinoy Big Brother.

Nakapagdisesyon ang actress na magresign sa PBB matapos niyang suportahan ang kandidatura ni Pangulong Bong Bong Marcos na kasalukuyan ngayon Presidente ng bansa.

Kamakailan lang din ay bumida si Toni sa MMFF entry na My Teacher kung saan kasama niya si Joey de Leon. 

Sa online show ni Fermin, ibinunyag nito na hirap na hirap raw si Toni makakuha ng guest sa kanyang show sa AMBS.

"Meron akong chika. Totoo ba na si Toni Gonzaga, hirap na hirap sa pagkuha ng guest sa kanyang show sa AMBS-2? Hirap na hirap daw," sabi ni Fermin 

Ayon kay Fermin, baka raw ay dahil ito sa pulitika.

"Parang gusto raw sabihin nung mga iniimbita, ‘Eh teka muna, magkalaban nga tayo nun, pagkatapos ngayon papailalim ako sayo?’ Parang ganun."sabi ni Fermin 

"Ako ito ah, obserbasyon ko 'to ah, syempre alam ko naman ang nangyayari diba? At nanonood tayo. Parang maling sigaw yung AMBS ano? Parang hindi ito yun panahon para sila ay pumasok sa mundo ng pagne-network"dagdag pa ni Fermin 

Totoo kaya ito? Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form