Coco Martin handa ng magsettle down: "Nasa puso ko na yung right one.”

 

Ibinahagi ni Coco Martin na handa na umano siyang magsettle down. 

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang kilalang actor, director, at film producer. Siya ay kilala sa mga pinagbibidahan niyang teleserye gaya ng Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at ang FPJ's Ang Probinsyano. 

Ngayon ay kasalukuyan siyang gumagawa ng pelikula na FPJ's Ang Batang Quiapo kung saan ka-love team niya ang anak ni Fernando Poe Jr. na si Lovi Poe. 

Sa isang press conference ibinahagi ni Coco na handa na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya.

Sabi ni Coco: "Normal lang akong tao. Actually kahit noong dati pa, naka ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko. Kung may dumating mang isang tao na siya makakasama ko sa habang buhay, nakahanda po."Pero bago mangyari [yun], ang talagang hinanda ko po muna yung pamilya ko, yung mga kapatid ko.

"Kasi ang pangarap ko, ayoko yung ako meron, may maganda akong buhay, maayos yung tinitirhan ko, tapos yung mga kapatid ko hindi. Gusto ko pantay-pantay kami.

"Hindi man parehung-pareho, pero alam ko na kung sakaling magbubukod na ako o paghahandaan ko na yung sarili kong buhay, alam ko na kampante ako na naiayos ko na ang lahat ng buhay nila."Kasi sabi ko na mahirap nga po kasi na lumaki ka sa broken family. Pero, may advantage din po yun.

"Dahil lumaki ako sa broken family, ayoko mangyari sa buhay ko yun. Kaya sabi ko nga, kung naapektuhan man yung mga kapatid ko, hindi ko ginawang ano yun, kahinaan. Which is yun po yung nagpalakas po sa akin, para tumayo nng ganito, para lumaban.

"Kasi sa totoo lang po, mahiyain ako, e. Pero natuto ako dahan-dahan, lumakas yung loob ko, kumapal ang mukha. Bakit po, sinabi ko, ‘Pag ako naging mahina, paano yung mga kapatid ko?’

"Ginawa ko po, talagang nagsumikap ako – kayod, kayod nang kayod nang kayod. Hanggang ngayon po, kagaya ng kinukuwento ko, ngayong maayos na po sila, anytime, anytime po, nakahanda po ako para sa sarili ko." 

Sabi pa ni Coco: "Kung naayos ko yung pamilya ko, handang-handa na rin po ako, magkakaroon po ako ng sarili kong pamilya." 

Hindi rin sinabi ni Coco kung sino ang kanyang the right one peru: "Nasa puso ko na yung right one."sabi niya  


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form