Coco Martin ibinunyag ang totoong dahilan kung bakit gusto niyang pribadong ang kanyang personal na buhay

 

Ibinahagi ng actor na si Coco Martin ang totoong dahilan kung bakit nananatiling pribado ang kanyang personal na buhay.

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang kilalang  actor, director, at film producer. Siya ay kilala sa mga pinagbibidahan niyang teleserye gaya ng Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at ang FPJ's Ang Probinsyano. 

Ngayon ay kasalukuyan siyang gumagawa ng pelikula na FPJ's Ang Batang Quiapo kung saan ka-love team niya ang anak ni Fernando Poe Jr. na si Lovi Poe.

Kamakailan lang sa isang press conference, ibinunyag ni Coco ang tungkol sa totoong dahil kung bakit pinili niyang gawing pribado ang personal niyang buhay.

Marami na kasi lumalabas na rumor tungkol sa kanila ni Julia Montes ngunit hanggang ngayon ay tikom parin ang bibig ng dalawa.

Ayon kay Coco ayaw raw niya na ibunyag ang personal niyang buhay lalo na sa publiko dahil ito lang daw ang maibibigay niya sa kanyang pamilya. Maging matiwasay raw ang kanyang pamilya kung hindi niya ito isapubliko lalo na ngayon na masyadong mainit ang social media. 

"Mas masakit kapag may naririnig kang hindi maganda sa pamilya mo. Hangga’t maaari, bakit ko hahayaan na masaktan ako or pamilya ko? Kaya mas gusto ko na tahimik na lang. Hindi naman magiging kabawasan yun eh,”sabi ni Coco base sa report ng ABSCBN News

Handa na rin daw si Coco na magsettle down. Ito rin daw ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap ngayon na magtrabaho.

"Oo naman, dati pa. Sabi ko naman sa sarili ko, mas private lang ako. Sabi ko nga, may mga bagay na ito naman 'yung dahilan kung bakit ka nagpapakahirap, kung bakit ka araw-araw gumigising para paghandaan ang future mo," sabi ni Coco 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form