Partner ni Jovit Baldivino nagsalita na sa totoong kalagayan ngayon ng singer

 

Photo Credits: Camille Ann Miguel on Facebook

Nagsalitaa narin sa wakas ang partner ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel kaugnay sa totoong kalagayan ngayon ng singer.

Sa artikulo ng Philnews, inamin ni Camille na kasalukuyang naka-admit ngayon si Jovit sa hospital ngunit nilinaw niya na hindi nagcollapse ang kanyang partner sa isang party noong December 4, 2022.

"He’s in the hospital right now, we’re asking for prayers, not fake news. Wala naman po akong ibang hiling kundi prayers para sa asawa. Nakakasama lang po ng loob na pinalalala ng fake news ang sitwasyon niya,” sabi niya  

Humingi naman ng panalangin si Camille para sa kanyang asawa at humiling sa mga internet users na wag magpakalat ng maling impormasyon.

"Sa Lhat po ng nag Popost sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post nyo at d kau nakakatulong lalo nyo pinalalala d kau nakakatulong matuto kau humingi ng permission..wag nyo pong palalain ang sitwasyon nya!!!!!!makapag post lng kau…prayers po ang kailangan nmn d ang maling post nyo!”sabi niya sa kanyang post sa Facebook 

Matatandaan na kumalat nitong Lunes sa social media na nasa ICU si Jovit makaraang mag-collapse umano habang nasa isang party sa Batangas City noong Linggo ng gabi dahil sa pumut*k na ugat sa ulo. 

Si Jovit Baldivino ay kilalang ay kilalang singer dito sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nanalo sa reality talent competition show na Pilipinas Got Talent noong 2010.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form