Vhong Navarro nakalabas na ng kulungan

 

Photo Credits: @Nikobaua on Twitter

Nakalabas na mula sa Taguig City Jail ang Its Showtime host na si Vhong Navarro matapos siyang magpiyansa ng P1 milyon.

Sa report ng ABSCBN News reporter na si Nikko Baua ay sinundo siya ng kanyang asawa bago mag alas 7 ng gabi.

Sobrang masaya naman ang asawa ni Vhong na si Tanya dahil makakasama nito ang kanyang asawa ngayong pasko.

"Happy. Sobrang happy," sabi ni Tanya

Anim na araw din na nakulong sa Taguig City Jail si Vhong makaraan itong ilipat mula sa National Bureau of Investigation detention facility.

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness. 

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong.

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form