Breaking: Vhong Navarro pinayagan na ng korte na maghain ng piyansa


Pinayagan na ng korte na maghain ng piyansa ang actor na si Vhong Navarro ayon sa abogado niyang si Atty. Alma Mallonga.

Ang magandang balita na ito ay ibinahagi sa twitter ng ABSCBN news reporter na si Nikko Baua.

Maaaring makapagpiyansa ang actor sa halagang isang milyon (P 1,000,000.00) para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness. 

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong.

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form