Ina ni Jovit emosyonal na inalala ang kabaitan ng anak:"Siya lahat sa gastusin namin"


Talagang di mapigilang maging emosyonal ng ina ni Jovit Baldivino na si Crestita Baldivino habang inalala ang  kabaitan ng kanyang anak na pumanaw sa edad na 29.

Sa interview ng ABSCBN News, ay makikitang pinigilan ng ina ni Jovit ang kanyang mga luha.

Ayon sa ina ni Jovit, napakabait raw na bata ni Jovit. Si Jovit na raw ang gumastos para sa kanilang mga expenses. Madali din daw lapitan ang singer.

"Siya lahat sa gastusin namin. Napakabait niya. Wala akong masabi. Lahat ng... lahat ng gusto namin na ano...naibibigay niya yun sa amin. Tulad ng may kailangan kami halimbawa, isang text ko lang andiyan na siya." sabi ng ina ni Jovit 

Maalala na pumanaw si Jovit alas 4:08 ng madaling araw nito lamang Dec. 9 sa Jesus of Nazareth Hospital in Batangas. 

Panoorin dito ang kabuuang interview:
Si Jovit Baldivino ay kilalang ay singer dito sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nanalo sa reality talent competition show na Pilipinas Got Talent noong 2010.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form