Reaksyon ni Sylvia Sanchez sa sweet moment nina Aiza Siguera at kanyang partner usap-usapan

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang reaksyon ni Sylvia Sanchez sa sweet moment ni Aiza Siguera at asawa nitong si Liza Dino.

Sa post sa instagram, ibinahagi ni Sylvia ang larawan nina Liza at Aiza na makikitang sobrang sweet sa isat-isa ang mag-asawa.

Ito pala ay wedding anniversary ng mag-asawa. 

Ngunit ilang netizens naman ang natuwa sa pabirong reaksyon ni Sylvia na tila inggit ito sa sweetness ng mag-asawa.

Sabi ni Sylvia sa kanyang caption “Ang usapan pupunta ng Cebu dahil makikipag meeting para sa #BecomingIce Concert na gaganapin sa waterfront hotel sa Feb 18, 2023. Ang tino tino ng usapan. Di ko naman alam at di nila sinabi na anniversary nila. Kaya ayan! Tukaan ng tukaan parang mga manok. Wahahaha naging third wheel ako," 

Sa kabila nito ay binati naman ni Sylvia ng happy anniversary ang mag-asawa.

"Pero ganoon pa man masaya ako para sa inyong dalawa. @iceseguerra @lizadino parang kailan lang nasa Sanfo tayo para sa napakagandang wedding niyo. Happy anniversary!!!” sabi ni Sylvia

Si Jossette Campo Atayde o mas kilala bilang Sylvia Sanchez, ay isang Filipina actress at comedian. Siya ay asawa ni Art Atayde at ina ng actor na si Arjo Atayde at actress na si Ria Atayde.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form