Kiray Celis naglabas ng seryosong saloobin sa realidad ng pagiging isang artista

 

Naglabas ng kanyang seryosong saloobin ang dating Goin Bulilit star na si Kiray Celis sa realidad ng pagiging artista matapos pumanaw ang si Jovit Baldivino.

Sa kanyang post sa Facebook, ay inilahad niya na pinagbawalan umano si Jovit na kumanta ng doctor ngunit may nagrequest kaya pinagbigyan raw niya ito.

"Pinagbawalan na pala si jovit kumanta, pero may mga nag request kaya ginawa niya.HIRAP rin po talagang maging performer o artista.."sabi ni Kira

Ibinahagi rin ni Kiray ang kanyang saloobin sa realidad ng pagiging performer. 

"Kapag tumanggi ka sa gusto nila, mayabang o nagbago kana.Yung kahit malungkot ka, dapat masaya ka sa paningin nila.Kahit antok ka dapat hyper ka sakanila. Kahit gutom ka dapat nakangiti kapa rin."sabi niya

"Kaya sana intindihin niyo rin po na tao lang rin kami. Artista man o hindi, lahat po tayo may problema. Lahat tayo may pinagdadaanan sa araw araw. Kaya piliin natin umunawa. Piliin nating maging mabait."dadag pa ni Kiray

Si Jovit Baldivino ay kilalang ay singer dito sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nanalo sa reality talent competition show na Pilipinas Got Talent noong 2010.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form