Ogie may prangkang reaksyon matapos posibleng mahatulan ng hanggang 62 years na pagkakakulong si Roderick Paulate

 

Nagbigay na ng prangkang reaksyon ang komedyanteng si Ogie Diaz matapos mahatulan ng guilty si Roderick Paulate sa kasong graft at falsification charges. 

Pasible rin kasi na makulong ng hanggang 62 years si Paulate dahil sa kanyang kaso.

"December na December, ang balita ngayon si Kuya Díck, si Roderick Paulate ay parang guilty na beyond reasonable doubt sa mga kasong kinasasangkutan niya ngayon nung siya ay konsehal pa lamang noong 2010. Oo, syempre hinatulan siya ng mga 62 years," ani ni Ogie 

Nang tanungin ni Mama Loi kung final na ba daw ang hatol kay Roderick ay sinabi niya na: "Mag-MR pa yan, motion for reconsideration. Pag hindi, eh pupunta na sila sa supreme court."  

Ayon pa kay Ogie, sana hindi na pumasok si Paulate sa politika.

"Eh syempre, dito naman sa aming industriya, si Kuya D*ck, napakaganda ng pangalan. Sana nga lang daw hindi na siya pumasok sa politics, nagugulo lalo yung kanyang buhay, yung kanyang career diba?"ani ni Ogie 

Medyo nagtataka rin si Ogie sa nangyari kay Paulate dahil mabait raw ito.

"Mabait naman sa showbiz yan, matulungin din sa showbiz yan, kaya nagtataka kami bakit may ganyang issue siya?" sabi niya 

Si Ogie Diaz ay kilalang komedyante, talent manager at youtuber. Siya ang naghandle noon sa mga career ng kilalang artista gaya nina Liza Soberano at Vice Ganda.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form