Ion Perez emosyonal na nagbigay ng mensahe kay Vhong Navarro sa kanyang birthday

 

Di mapigilang maging emosyonal ni Ion Perez na magbigay ng mensahe kay Vhong Navarro sa kanyang kaarawan.

Matatandaan na kamakailan lang ay inilipat na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail matapos ang ilang buwan na nakadetain sa NBI.

Ayon kay Ion, kapit lang daw si Vhong dahil nadaanan narin daw niya ang pinagdaanan ngayon ng actor na tinalikuran ng tao.

"Ang ano ko lang naman, wish ko dahil, may dalawang tao kasing malapit sa akin na may pinagdadaanan sila."

 "Unang-una ay iyong si Brad Vhong, kasi tol, kapit ka lang. kasi dumating din ako sa sitwasyon na ganyan na feeling mo tinalikuran ka ng mga tao." 

"Wag ka lang bumitaw tol, kapit ka lang. kumapit ka lang sa paniniwala na may mabubuti pa ring tao tol."  

Panoorin dito:

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness. 

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form