Rendon Labador may matinding banat kay Kean Cipriano: "Napakasama ng ugali mo!"

 

Sa youtube vlog ni Rendon Labador ay naging guest niya ang isa sa mga miyembro ng bandang "Calialily" na ngayon ay tinawag ng bandang "The Lily".

Sa nasabing panayam ay ibinunyag ng kabanda ni Kean Cipriano ang paglisan nito sa grupo. 

Si Kean ang vocalist ng nabanggit na banda sa itaas na nagpasikat sa kantang "Magbalik".

Kwento ng kabanda ni Kean may ginawang kanta umano si Lem Belaro na drummer ng kanilang banda kung saan ipinalagay daw ng dati nilang bokalista na silang lahat ang gumawa gayung siya lamang ang bumuo nito mula sa lyrics at music ng naturang awit.  

Umalma si Rendo nang malaman niya ang kwento ng nasabing kabanda ni Kean lalo na nung malaman niyang kaya nagpalit ng 'The Lily' ang pangalan ng grupo dahil nakalisensya umano ang pangalang 'Callalily' kay Kean.  

"Ang problema, iniwan mo 'yung mga kasama mong umakyat na walang-wala... Kasi 'di mo na pinagamit 'yung Callalily na name sa kanila,” sabi ni Rendon 

"Napaka-selfish mong tao! Ok lang na humiwalay ka eh...Pero 'yung nag-iisang binuild niyo, sana manlang 'di mo ipinagkait sa kanila," dagdag pa niya 

Panoorin dito ang buong interview:

 Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Nagustuhan mo? Kung suhistyon ka ay mag-iwan ng iyong komento sa ibaba. Maraming salamat ka-tabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form