Video ni Anne Curtis na kung saan sinaplok siya ng alon viral na

 

Photo From: Anne Curtis on Instagram 


Viral na ngayon sa social media ang video ng actress na si Anne Curtis na kung saan sinalpok siya ng alon.

Nalaman ng aming team na ang nasabing video ay kuha sa family vacation ni Anne kasama ang kanyang pamilya.

Makikita sa video na humiga si Anne sa sa buhangin samantalang ang asawa naman niyang si Erwan ang gumamit ng drone para kuhaan ng magandang view ang actress.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang sinaplok si Anne ng alon.

Ipinost ang nasabing video ni Erwan sa kanyang instagram na may nakakatuwang caption.

Sabi niya: "Dyosa in her element. Nature wins. P. S If you don't hear from me in the next 24 hours, send help."  

Agad naman na nagreact si Anne sa nasabing post ni Erwan at sabi niya ay pinatawad niya na raw ito sa pag-upload ng nasabing dahil natatawa din daw  siya.

"Director’s cut at its finest You’re forgiven tho because tawang-tawa me. Hahahahahha"sabi ni Anne 

"THE BEST! HAHAHAHA!" dagdag pa niya sa  isang comment 

Pwede mong panoorin dito ang video:

Si Anne Curtis ay kilalang tv host, actress at model dito sa Pilipinas. Isa sa mga tumatak na serye ni Anne Curtis sa manonood ay ang seryeng Diyosa. 

Samantala kasalukuyan namang ngayon main host si Anne Curtis sa noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form