Ibinahagi ni Dimples Romana ang nakakaaliw na video nila kasama si Primetime King Coco Martin at ang rumored girlfriend nitong si Julia Montes.

Sa nasabing video ay nagkatuwaan sila sa isang event.

Makikita na sumasayaw si Coco habang naka-upo nang bidyohan ito ni Dimples.

Natatawa naman si Coco sa kanyang ginawa at tila medyo nahiya.

Maging si Julia at Dimples ay tawang-tawa rin sa ginawa ni Coco.

"As promised, ayuda sa lahat ng nagmamahal sa dalawang love ko, to all my fellow CocoJuls, pampaganda ng gabi at umaga ninyo" sabi ni Dimples sa kanyang caption 

Samantala nandoon rin si Cherry Pie Picache na natatawa rin.

Panoorin dito ang nakakatuwang video:

Si Dimples Romana ay kilalang artista dito sa Pilipinas. Marami narin siyang nagawang teleserye at pelikula.

Isa sa mga serye na tumatak sa mga viewers ay ang pagganap ni Dimples bilang si Daniela sa Kadenang Ginto.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post