Di mapigilang magreact ni Sawsawera Queen" RR Enriquez sa bansag ni Cristy Fermin na umanoy "Pambansang Paawa" si Andrew Schimmer.

Ayon kay RR, dapat raw hanggaan si Andrew dahil sa pag-aaruga at pagmamahal nito sa asawang maysakit na si Jho Rivero sa halip na ibash ito.

"Di ba dapat pambansang asawa? Hindi lahat ng lalake kayang gampanan yung ginagawa ngayon ni Andrew Schimmer kaya naman palakpakan po natin siya"sabi ni RR 

Pinaalalahanan din niya ang publiko na wag ibash si Fermin.

"Wag na nating i-bash si Nanay cristy. Kasi siya lang naman o sila lang naman tatlo ang tagahatid ng mga balita o komento ng iba't ibang mga netizen" sabi ni RR 

Ayon pa kay RR kahanga-hanga raw ang ginawa na ito ni Andrew.

"And ako nung napanood ko yun, medyo na-sad ako na ganun yung tingin ng ibang mga tao kay andrew schimmer. Kasi alam niyo, hindi natin alam yung pinagdadananan ni Andrew especially in this difficult time of his life and ng asawa niya rin," sabi niya 

"Nakakahanga si Andrew Schimmer dahil nilunok niya yung pride niya na eto ako, 'eto kalagayan ng asawa ko, nangangailangan kami ng pinansyal. At least 'di ba hindi siya nagnakaw or hindi siya pumatay ng tao para lang makakuha ng pera. Nagpa-interview siya at gumawa siya ng vlog, walang masama don." Dagdag pa nito 

Pwede mong panoorin ang kabuuang vlog dito:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post