Ibinahagi ng news anchor na si Bernadette Sembrano na nangangalakal ang kanyang mister na si Orange Aguinaldo.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay sa YouTube, ibinahagi ni Bernadette ang trabaho ng kanyang mister.

Ayon kay Bernadette, hanga siya sa mister sa husay nitong mag-segregate ng mga basura na mas gusto nilang tawaging 'kalakal'. Naniniwala raw talaga silang mayroong pera sa basura.  

Ibinahagi rin ni Bernadette na mayroon silang Junkshop sa Cavite.

Ngunit minsan raw ay napagkamalan din na isang Janitor ang kanyang mister dahil sa ginagawa nito.

"Kasi at that time nasa public office siya. Tapos may dala-dala siyang kalakal. At sabi sa'kin ni asawa, 'it keeps me humble."

Pwede mong panoorin dito ang kabuuang video:

Si Bernadette Sembrano ay kilalang TV reporter, news caster, tv host at musician.

Isa si Bernadette ngayon sa mga news anchor ng TV Patrol.

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
Home remedies to boost ovulation, yoga to boost ovulation per you tube videos
Previous Post Next Post