Ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang online show na tapos na raw ang proseso ng gamutan ni Kris Aquino sa Amerika.

Ito ang inilahad ng source ni Cristy na tinalakay niya sa kanyang show na "Showbiz Now Na".

"At kinukumpirma po ng aming mga sources na nasa LA na po talaga si Kris Aquino. Doon na po muna sila titira ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby at doon na raw muna siya magpapagaling."sabi ni Fermin 

So ibig sabihin, tapos na 'yung misyon at proseso sa Houston... Alangan namang magpabalik-balik pa siya from California to Texas"dagdag pa niya 

"Noon kasi, sobra ang pagwo-worry at pag-aalala ng sambayanang Pilipino. 'Yung kanyang itsura, pagka-payat payat. Tapos kung ikwento pa niya 'yung kanyang sakit, padagdag nang padagdag... Kaya ang daming nagtataka ngayon. Bakit mula doon, nandito na ngayon sa LA. Parang ang bilis," kwento pa ni Fermin

"Kung sakali man po na siya ay nakaligtas na sa ipinag-aalala nating sakit, lahat tayo maligaya pero kailangan ng paliwanag," sambat pa ng beterang columnist

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post