Labis ang kalungkutan ng komedyanteng siya Chad Kinis matapos masira ang kanyang palayan matapos manalasa ang bagyong karding ilang linggo na ang nagdaan.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Chad na dahil sa bagyo ay kunti nalang ang kanilang naani.

"Sa kasamaang-palad po sa lakas ng bagyo, nakakalungkot man po, pero nakakuha lang po yata kami ng 28 sacks ng palay. Inaasahan po namin ilang daan sana," kuwento niya.

Malungkot man si Chad umaasa naman siya na maging maayos abg mga susunod niyang ani.

"Nakakalungkot lang po isipin ng dahil sa bagyo ay nasira din po ang ani namin ng palay. Nakakalungkot man pero wala tayong magagawa sa ganyang bagay, ganoon talaga siguro. Bawi na lang next time at sana sa susunod na ani, maganda na at maging prosperous at bountiful harvest," aniya.

Panoorin dito:


 Richardson dela Cruz o mas kilala sa kanyang stage name na Chad Kinis ay isang kilalang komedyante at youtuber.

Una siyang nakilala ng sumali siya sa Miss Q and A ng Its Showtime. Bigo man siyang makakuha ng award ngunit ito ang naging daan niya para sumikat.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post