Masayang ibinahagi ni Andrew Schimmer na makakalabas na ang kanyang asawa na si Jorhomy Rovero sa ospital matapos ang halos isang taon ng maconfine ito.

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Andrew na excited sila ng kanyang pamilya sa pag-uwi ng kanyang asawa.

"Update namin kayo pag nasa ambulance na kami going home. Para makita n'yo 'yung mukha niya habang binibiyahe siya. Excited kami makita facial reaction niya pag sinakay na namin siya sa ambulance saka bumibiyahe," ani Andrew.

Ibinunyag din ni Andrew na ito ang unang beses na makakalabas ang kanyang asawa sa ospital mula ng maconfine ito sa ospital noong 2021.

"After almost a year, first time niya masisilayan ang labas ng hospital," pahayag ng aktor.

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post