Binasag narin sa wakas ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang katahimikan kaugnay sa hiwalayan nila ng kanyang partner na si Lee O Brian. 

Maalala na kamakailan lang ay kinumpirma ni Ogie Diaz ang hiwalayan ng dalawa.


Samantala sa post ni Pokwang sa kanyang instagram ibinahagi nitong 7 months na silang hiwalay ng kanyang kinakasama.

Basahin dito ang buong pahayag ni Pokwang.

“Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia, natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon  ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal 


"sa mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya  hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay  #Wagmapagodparasamgaanak,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post