Binasag narin sa wakas ni Andrea Brillantes ang kanyang katahimikan kaugnay sa viral niyang pagbe-baby talk. 

Sa isang panayam ibinunyag ni Andrea na natural niya itong boses. Bigla na lamang nagbabago ang kanyang boses nang hindi niya alam.

"'Yung pagbe-baby talk ko na palaging nagte-trending, voice ko talaga siya pero hindi siya ‘yung napipili ko [consciously]. Bigla lang siya nagsi-switch kasi nung bata ako kulang ako sa pansin — bunso ako then hindi ako lumaki sa parents ko – baby-baby talaga ako,” sabi ni Andrea 

“Minsan tsaka ko na lang siya mare-realize ‘pag inaasar na ako ng tao na nagbe-baby talk ako," dagdag pa niya 

Ibinunyag din ni Andrea na hindi siya na-offend sa mga nambabatikos sa kanya kaugnay sa viral niyang pagbe-baby talk.


"Bumabalik at bumabalik talaga siya. Nababago ko lang siya kapag may role ako kasi trabaho ‘yon at kailangan,” sinabi niya. "So feeling ko part talaga siya ng childhood ko na nawala."

"'Yung pagbe-baby talk ko, akala kasi nila nagpapa-cute ako pero ‘yung mga friends ko, alam nilang gano’n lang talaga ako as person," dagdag pa ni Andrea

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post