Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong video kung saan tila nanindigan ang actress na si Ella Cruz tungkol sa naging pahayag niya tungkol sa kasaysayan.

Maalala na nagviral ang actress dahil sa post nito na kung saan sinabi niyang parang tsismis lang ang history.


Sa video na ipinost ng Vincentements ay makikita na nag-uusap sina Ella at Imee Marcos tungkol sa kasaysayan.

Napanood ko yung interview mo eh. Tinanong ka bilang estudyante, tapos tinanong ka bilang artista. ‘Di ka naman sumagot bilang historian,” sabi ni Imee 

"Exactly Sen. Isa pa, hindi ko naman sinabi na matalino ako, ‘di rin naman ako nagmamagaling. Pero Sen, nagbabasa naman ako no, nag-aaral naman ako. At totoo naman na ang kasaysayan ay tsismis na napatunayan dahil sa ebidensya at sa research,” sey naman ni Ella 


“I agree. History is tsismis with methodology, analysis, and proof.” sey naman ni Imee 

“Isa pa Sen, History is opinionated. Eh Hindi ka naman po puwedeng maging historian kung hindi ka marunong mag-interpret,”ayon kay Ella 

"At ang pag-iinterpret ay personal na pakiwari. History is opinionated because one cannot be a historian without being opinionated. Pag sarili mong interpretation edi may halo nang opinyon. Pero dapat based sa pagsasaliksik" sey naman ni Imee 

"Dapat agresibo rin ang mga historians na magsabi kung kailan opinyon lang nila ang pinagsusulat. Opinyon at feeling nila na wala namang evidentiary support. Yan ang tsismis" dagdag pa ni Imee 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post