Nashock raw ang actor na si Gerald Anderson sa bed scene nila ng actress na si Ivana Alawi sa upcoming ABSCBN series na Family Affair. 


Sa Wednesday media launch ng ABSCBN teleserye  ay inalala ni Gerald ang tungkol sa intimate scene nila ni Ivana.

Sa nasabing serye ay gaganap bilang mag-asawa sina Gerald at Ivana.

“Hindi naman kinabahan. First of all, mas iniisip ko… Kasi pinuntahan pa ako ni Direk Jerome [Pobocan] sa tent bago kami kunan, in-explain niya sa akin kung ano ang gagawin at kung paano namin gagawin. Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Diba pang-TV ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi, pang-Netflix ‘to!’” sabi ni Gerald tungkol sa mainit na scene nila ni Ivana


Dagdag pa niya “Siyempre first leading role ni Ivana. Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to na magiging comfortable siya sa scene?’ Kinakausap ko ‘yung mga PA, si direk. Minsan ‘pag feeling ko hindi na ganoon ka-komportable o medyo parang may nakikita o medyo revealing, titingnan ko si direk.” 

Narito ang official trailer ng Family Affair na ipapalabas na ngayon June 27.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post