Tapat na inamin ng komedyanteng si Vice Ganda na maari niyang sabunatan o di kaya'y kaladkaren ang babaeng aagaw sa asawa niyang si Ion.

Ayon kay Vice, hindi raw niya iniisip ang mga nasabing bagay dahil hindi raw ito ipinaparamdam sa kanya ni Ion.


“Hindi ko naman siya iniisip. Hindi ko siya ini-entertain, ‘yung thought. Pangalawa, hindi 'yun pinaparamdam sa akin ni Ion. At saka hindi ako naggugugol ng oras sa pag-iiisip ng pwedeng maging problema, na hindi pa nangyayari,” sabi ni Vice sa vlog ni Kaladkaren

Peru kung sakaling mambabae si Ion ay sabi niya:

"[But] if it happens, it happens. Bahala na kung mabaliw ako, e di mabaliw. Kung humagulgol ako, humagulgol. Kung manabunot, mangaladkad ako ng babae, e di mangyari. Pero ngayon bakit ko pu-problemahin ‘yun?"  

Samantala ibinahagi rin ni Ion na masaya ngayon ang pagsasama nila ni Ion mula ng ikinasal sila walang buwan na ang nakakalipas sa Las Vegas.


“Masaya kami. Wala kaming problema. Hindi perfect ang relationship namin, nagkakabuwisitan kami, nagkakatampuhan pero ‘di kami nag-aaway. Tapos walang threat sa pagsasama namin. Hindi naming nararamdaman ‘yun,” kuwento niya.

May mensahe rin si Vice tungkol sa mga nag-iisip ng hindi maganda sa relasyon nila ni Ion.

“Ang dami n'yo nang iniisip sa buhay. Ang hirap-hirap ng mga buhay n'yo, ‘wag n'yo na kaming isama sa mga problema n'yo," sey niya.

“Kung mambabae si Ion, ‘wag n'yo na isama sa problema n'yo ‘yun,” dagdag ni Vice.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post