Tapat na inamin ng dating child star na si Bugoy Carino ang plano nila noon ng dating volleyball star na si Ej Laure nang malamang buntis ito.


Sa interview nito kay Karen Davila, tapat na inamin ni Bugoy na gusto umano nilang  ipatanggal ang nasa sinapupunan ni EJ.

Paliwanag ni Bugoy bata paraw siya noon. Maalala na 16 pa lamang noon si Bugoy habang si EJ naman ay 21.

"Ito sasabihin ko talaga. Una po talaga, ang desisyon namin is ipal*gl*g yung baby. Ok sige, bata pa po ako 'nun e 'Di ko po alam na buhay po pala ang mawawala... Sabi ko sa sarili ko, o sige, para lang mabalik yung career ko, alang-alang na lang sa family ko para makatulong na lang ako ng sobra and maibalik yung mga shows na ibinigay sa akin, 'yung tiwala sa'kin nung ABS... Sabi ko sige, ipalaglag na lang," sabi ni Bugoy 


Ngunit kalaunan ay napag-isip-isip din nila na ipagpatuloy ang pagbubuntis ni EJ dala narin ng payo ng kanilang pamilya.

Sa ngayon ay masaya sila sa piling ng kanilang anak lalo't magtatlong taong gulang narin ito.

Panoorin dito:



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post