Nagbigay ng update ang kilalang komedyante at vlogger na si Ogie Diaz kaugnay sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Amerika.


Sa latest showbiz update vlog ni Ogie ay ibinahagi niyang maayos raw .na nagreresponde si Kris sa gamutang isinasagawa sa kanya sa Amerika.  

"Ito raw ay confirmed... Si Kris Aquino ay matagal na mamamalagi sa Houston, Texas. Siguro abutin ito ng one year Loi. Habang siya ay nagpapalakas, nagpapagaling. At in fairness naman, sabi ng aking source, e nagrerespond naman daw si Kris Aquino sa mga treatments na isinasagawa sa kanya," sabi ni Ogie 


"'Yung iba kasi wala sila nababasa tungkol kay Kris. Kumbaga siguro nag-absent muna, nagpahinga pansumandali itong si Kris Aquino. Pero malay natin hindi rin makakatiis ang lola niyo. Babalitaan din niya kayo straight from the horse's mouth, live from Houston, Texas." dagdag pa ni Ogie 

Panoorin dito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post